Laban, Eben. Laban!

 


Kilalanin si Ebenizer Bontigao, o mas kilala sa palayaw na "Eben", isang mag-aaral ng Veritas College of Irosin. Hindi lang siya isang Criminology student, kundi isa rin siyang taekwondo athlete na may pusong palaban. 

Image credits: The Truth Publication/Ebenizer Bontigao

Nag-ensayo si Eben mula pa noong October 2023 para sa paparating na PRISAA at INTERCRIM. Hindi madali ang kanyang pinagdaanan. Bilang isang working student, nagtatrabaho siya sa umaga at nagte-training sa gabi. Sa gitna ng pagod at sakit ng kanyang paa, hindi siya sumusuko. Kailangan niyang magpababa ng timbang para makapasok sa division na hindi niya makakatapat ang kanyang ka-team.


Nang dumating ang araw ng Inter-CCJE Academic and Skills Olympics 2024 na naganap noong nakaraang Abril 4-7, 2024 sa Sorsogon City, sampu silang sumali sa Taekwondo team ng Veritas. Bago magumpisa ang event, nag-stretching sila sa Villanueva School sa Sorsogon. Hindi nawawala ang kaba at takot sa bawat isa. Pero hindi siya pinabayaan ng kanyang Coach na si Luis Federiso Hebres. Sinasabi nito sa kanya, "Ayaw pagsusuko, Eben. Laban!"


Image credits: The Truth Publication/Ebenizer Bontigao


Sa kalagitnaan ng laban, naisip ni Eben na susuko na. Pero ang kanyang coach ay patuloy na nagbibigay-lakas sa kanya. Hindi siya iniwan. "Laban, Eben, laban!" ang paulit-ulit na sinasabi ni Coach Luis.

At sa wakas, naging maganda ang resulta ng kanyang laban. Si Eben ang nagwagi sa lightweight division. Masayang-masaya ang kanilang coach dahil halos lahat sila ay nakakuha ng medalya. Kahit ang kalaban niya ay maayos naman ang kalagayan, hindi niya ito pinabayaan. Tiningnan niya ang dugo sa kanyang labi, isang tanda ng kanilang pagkakaalitan sa loob ng ring.


Ngayon, bilang isang taekwondo athlete, patuloy na naglalakbay si Eben. Hindi siya naging duwag. Hindi siya sumuko. Ang mga mensahe ng kanyang mga kasamahan ay laging nasa kanyang isip: "Huwag kang sumuko dahil nandyan ka na. Sumuko ka pagkatapos ng laban. Pakita mo kung sino ka, Eben!"



Sa Team Veritas Taekwondo, si Ebenizer Bontigao ay nagdala ng karangalan. Isang gold medal para sa kanya, at tatlong silver medals para sa kanilang team. Hindi lang ito simpleng laro. Ito ay isang combative sport na kinakailangan ng matinding training. Kaya't lagi niyang iniingatan ang kanyang kalusugan. Sabi nga ng karamihan, "Health is Wealth."


Kaya sa mga gustong sumubok, huwag matakot. Baka ikaw na ang susunod na sabitan ng gold na medalya. Laban, Eben, laban! 💪🥋🏅


-KGE

Post a Comment

Previous Post Next Post